Sunday, August 22, 2010

Video Karera sa Purok 1 Barangay Sta. Rita, HULI!

August 22, 2010

Pinalagan ng taong bayan ang namamayagpag na operasyon ng video karera sa iba't ibang lugar sa Brgy. Sta. Rita.  Sinasabing may malakas na backer at protektor ang naturang operasyon ang naturang operasyon kung kaya't hirap maging ang barangay na masawata ito.  

Mabuti na lamang at may mga mamayan sa pangunguna ni ginoong Napri Provido ang hindi nagpasindak sa protektor ng iligal na gawain na ito.  Kudos sa purok leader na naglakas loob na kumpiskahin ang video karera.  Matatandaang maging ang pamunuan ng barangay ay walang magawa upang pigilin ito.





No comments:

Post a Comment