Friday, August 27, 2010

Chemical Spill sa Sta Rita


Aksidenteng tumapon kahapon, ika-27 ng Agosto ang isang container ng alkitran na dadalhin sana ng kompanyang Filmixco sa bahay ng isang residente sa filtration road katabi ng Local  ng Iglesia ni Kristo.

Nagdulot ng pagsisikip ng trapiko ang naturang insidente sapagkat napilitan ang Traffic Management personnel na mag divert patungo sa Sta Rita road o kaya Cabling lane matapos na isang motorsiklo ang sumadsad, isang driver at pasaherong bata ang nasaktan sa insidente.

Agad namang tumugon ang Disaster Management Office, maging ang Brgy Rescue Team na pinamunoan ni Kgd. Eric Janhke.

Nilagyan ng layer ng buhangin ang mahigit 50 metrong apedtadong daan upang maging absorbent at matapos ang mahigit isang oras, the DMO SR Rescue units washed down the remaining chemical.

Ang iba pang ahensyang tumugon sa naturang insidented at ang Sanitation and Management office na pinamunuan ni Dante Ramos at ang Bagumbayan volunteers na pinamunuan ni Ed Piano

No comments:

Post a Comment