Showing posts with label skills and livelihood training center. Show all posts
Showing posts with label skills and livelihood training center. Show all posts

Saturday, August 28, 2010

Livelihood Program sa Sta. Rita

BIGAY-BUHAY PARA SA BAGUMBAYAN
A LIVELIHOOD PROGRAM

Dumalo ang higit sa 70 katao sa libreng livelihood training na isinagawa kahapon, ika-28 ng Agosto 2010 sa Capricorn St. Sta. Rita. Itinuro sa mga dumalo kung paano gumawa ng Chinese Butchi, Puto Pao at Square Pear Ham.


Ang naturang programa ay isinagawa sa pagtutulongan ng BLOOM Sta Rita na pinangungunahan ni Kgd Bella Asuncion at Bagumbayan CEO Edwin Piano. Ang regular na schedule nang naturang skills and livelihood training ay dadalhin sa ibat ibang purok sa barangay Sta Rita.

Thursday, August 26, 2010

Libreng Skills and Livelihood Training Center sa Sta. Rita, IKINASA NA!

Isang pagpupulong ang ginanap kaugnay sa mga gaganaping proyekto at libreng skills and livelihood training para sa Barangay Sta. Rita, kaninang umaga ika-26 ng Agosto 2010 sa FMA Hall, City Hall.

Dinaluhan ng higit sa 50 katao kabilang si Ed Piano, Direktor ng Skills Training Center and Executive Vice President & CEO ng Bagumbayan Volunteers of Olongapo, Inc.,  Kgd. Linus Bacay, mga coordinators ng iba't ibang purok ng Sta. Rita at mga supporters ang nasabing pagpupulong.