Saturday, July 26, 2008

MEDAL OF EXCELLENCE FOR STA. RITA STUDENTS

Two students from Sta. Rita Elementary School received Medals of Excellence from Mayor James “Bong” Gordon, Jr. recently.

In the flag-raising ceremonies at Rizal Triangle Covered Court, Mayor Bong Gordon awarded the Medals of Excellence to Jerwin Escobar and Joan Aicy Sayno of Sta. Rita elementary School. The award symbolizes the city’s recognition of the excellent performance of the students in their studies.

“The City Government recognizes the excellent attitude of these students towards their academic endeavors. They serve as proof that even young Olongapeños really fight for excellence,” Mayor Gordon said.

Escobar is Sta. Rita Elementary School’s valedictorian while Sayno is the school’s salutatorian of batch 2008.

It can be recalled that Mayor Gordon has also recently awarded Medals of Excellence to Girlie Cambe (Valedictorian) and Kerwin Corales (Salutatorian) of Iram High School and Denise Michaela Corales (Valedictorian) and Mary Jane Antonio (Salutatorian) of Iram Elementary School. Other students who also show exemplary performance in their studies are likewise being given recognition by the city government.

Education is one of Mayor Gordon’s top priorities. The city government fully supports the education of young Olongapeños, especially those financially constrained but intellectually capable students. The city is currently providing scholarship grants to more than one thousand elementary, secondary and college students.

Mayor James ‘Bong” Gordon, Jr. together with City Councilors Edwin Piano, Rodel Cerezo and Gina Perez awards the Medal of Excellence to Joan Aicy Sayno of Sta. Rita Elementary School during the flag raising ceremonies of city officials and employees on Monday.


Mayor James ‘Bong” Gordon, Jr. together with City Councilors Rodel Cerezo and Gina Perez awards the Medal of Excellence to Jerwin Escobar of Sta. Rita Elementary School during the flag raising ceremonies of city officials and employees on Monday.

PAO/jpb/

Thursday, July 10, 2008

Day Care Center & Women's center sa Sta. Rita

BAGONG DAY CARE CENTER SA ‘GAPO, PINASINAYANAN!

Pinangunahan nina Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Olongapo First Lady at Zambales Vice Gov. Anne Marie Gordon ang pagpapasinaya sa bago at karagdagang Day Care Center sa lungsod.

Sa basbas ni Sta Rita Parish Priest, Rev. Father Nelson Vencilao ay magkatuwang na isinagawa ang ribbon cutting sa Welfare Ville Day Care Center nina Vice Gov. Anne Marie Gordon at Vice Mayor Cynthia Cajudo kasama sina City Councilors Ellen Dabu, Gie Baloy, Elmo Aquino, Ed Piano at Rodel Cerezo.

Pinangunahan rin ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head Gene Eclarino ang inauguration at blessing. Ang Welfare Ville Day Care Center ay matatagpuan sa compound ng Olongapo City Women Center at Youth Center sa Mayumi St., Sta Rita.

‘’Sinadya nating magtayo ng Day Care Center sa mismong compound ng Women Center at Youth Center upang maihatid natin ng mas mabilis ang pangangailangan sa edukasyon ng mga anak ng mga residente ng center gayundin sa mga kabataang nakatira malapit dito,’’ wika ni Vice Gov. Gordon.

‘’Pinag-aaralan na ni Mayor Bong Gordon ang pagtatayo ng ‘Home for the Aged’ dito rin sa compound upang maaruga ang mga matatanda ng lungsod na walang matuluyan,’’ dagdag pa ng Bise Governador.

Sumentro naman ang mensahe ni Mayor Bong Gordon sa pagkilalang natanggap ng lungsod kamakailan bilang “Most Competitive Medium-Sized City” mula sa Asian Institute of Management (AIM).

‘’Nanguna ang lungsod sa iba pang medium sized cities at nangibabaw ang Olongapo kasama ng General Santos City, Cabanatuan, San Pablo, Tagum, Tarlac City at Lucena. Dito ay pinagbatayan ang kalakasan at kahinaan ng isang lungsod at ang uri ng pamumuhay rito,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Hinikayat pa ni Mayor Gordon ang mga Olongapeño na ipagpatuloy ang pakikipag-tulungan sa kanyang administrasyon, ‘’Hindi ito maisasakatuparan kung hindi nakikipag-tulungan ang mga Olongapeño.’’

Sa ngayon ay may 45 day care students. Ito rin ang ika-55 day care center sa lungsod na nasa ilalim ng pangangala at patnubay ng City Social Welfare and Development (CSDWO) kabilang na ang Child Minding Center na matatagpuan mismo sa loob ng City Hall.

OLONGAPO CITY NEW DAY CARE CENTER: Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe sa pagpapasinaya ng Welfare Ville Day Care Center nitong ika-10 ng Hulyo 2008 sa Mayumi St., Sta Rita. Nasa larawan rin sina (from right to left) Olongapo First Lady at Zambales Vice Gov. Anne Marie Gordon, DSWD for Region 3 Asst. Dir. Adelina S. Apostol, Vice Mayor Cynthia Cajudo, City Councilors Gie Baloy, Ed Piano at Ellen Dabu.