Monday, May 26, 2008

STA RITA NANGUNA SA BARANGAY SPORTS OLYMPICS FESTIVAL

Matagumpay na natapos kamakailan ang unang taon ng Barangay Sports Olympic Festival na nilahukan ng ibat-ibang barangay sa Olongapo. Sa inisyatibo ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na higit na ma-involved ang mga kabataan ng lungsod sa sports at ilayo ang mga ito sa bawal na gamot ay limang (5) araw na nagtagisan ng lakas ng pangangatawan at isipan ang mga kabataang Olongapeno.

Layon rin ng Olympic Festival na higit pang pa-igtingin ang local sports sa lungsod. “Barangay Olympics is also intended to discover potential athletes who may represent the city in national or even international sports competitions,” pahayag ni Mayor Gordon.

Pinangunahan ni City Councilor at Task Force Sports Chair Rodel Cerezo ang kabuuan ng palaro. Humakot naman ang Barangay Sta Rita ng dalawampung (20) medalya kung saan nakuha nito ang unang pwesto.

Kabilang sa mga sport activities na pinaglabanan sa Barangay Olympics ay ang basketball, volleyball, badminton, lawn tennis, swimming, taekwondo, table tennis, archery, chess, sepak takraw, gymnastics, athletics, football/softball, muay thai, karatedo, boxing, arnis, at power lifting and body building.

Isinagawa ang sports events nitong ika-11 hanggang 16 ng Mayo 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center at East Tapinac Oval Truck.

BARANGAY SPORTS OLYMPICS FESTIVAL: Ini-abot ni Mayor Bong Gordon ang medals at Plaque of Recognition sa isa sa mga awardee ng Barangay Sports Olympics Festival. Isinagawa ang awarding nitong ika-16 ng Mayo 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. Kasamang nag-abot ni Mayor Gordon sina City Councilors Rodel Cerezo at Ellen Dabu. Pao/rem