Tuesday, February 26, 2008

Santa Rita BAGONG PHILHEALTH ACCREDITED RHUs

February 12, 2008

APAT NA BARANGAY SA ‘GAPO BAGONG PHILHEALTH ACCREDITED RHUs

Pinasinayanan at pinarangalan ng Philhealth Insurance Corporation (PhilHealth) ang Barangay Barretto, Gordon Heights, New Cabalan at Sta Rita bilang karagdagan sa mahigit pitongdaang (700) PhilHealth Accredited Rural Health Units sa bansa.

Ang inauguration and awarding ng apat (4) na barangay ay pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., Vice Mayor Cynthia Cajudo, City Councilor at Sangguniang Panlungsod Committee on Health Chair Gie Baloy, City Councilor Rodel Cerezo at City Health Officer Dr. Arnildo Tamayo.

Naging saksi rin ang PhilHealth officials na sina Regional Director Dra. Nelia Divina-Tanio, Branch Manager Arsenia Torres at Dept. of Health (DOH) Regional Director Rio L. Magpantay sa pag-angat sa health service ng apat (4) na barangay sa lungsod.

Sa panig naman ng RHUs ay tinanggap nina Barretto Brgy. Capt. Carlito A. Baloy at Rural Health Physician Dra. Ana Verlita Figuerres, Gordon Heights Brgy Captain Edgardo R. Gingco at Rural Health Physician Dr. Jose Bismarck Abad, New Cabalan Brgy. Capt Audie Sundiam at Rural Health Physician Dr. Celso Bulanhagui at Sta Rita Brgy. Capt. Jerome Bacay at Rural Health Physician Dra. Cynthia Mendoza ang PhilHealth Accredited Rural Health Unit Tarpaulins at Certificates of Accreditation buhat sa City at PhilHealth officials.

Sa natanggap na akreditasyon ng apat (4) na Rural Health Units (RHUs), nangangahulugan lamang ito na hindi na kinakailangan pang tumungo ang mga indigent and low-income family members nito sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) para sa out-patient diagnostic and consultation services.

‘’Maaari ng makuha sa accredited RHUs ang kaparehong kalidad na serbisyong ibinibigay ng PhilHealth accrediated hospitals tulad ng JLGMH. Kaya higit pa nating aayusin at daragdagan ang mga diagnostic equipment ng mga accredited barangay upang makabawas sa araw-araw na bilang ng mga pasyenteng tumutungo sa pagamutan ng lungsod,’’ wika ni Mayor Gordon.

Matatandaan, na nauna nang tumanggap ng PhilHealth Accredited Rural Health Unit ang Barangay West Bajac-Bajac taong 2007 kaya hinamon ni Mayor Gordon ang labindalawa (12) pang non-accredited RHUs na gawing modelo at inspirasyon ang naunang limang (5) PhilHealth accredited RHUs.

Sa programa ay kasabay na ring iginawad kina Mayor Bong Gordon at City Health Official Dr. Arnildo Tamayo ang halagang Php773,274.10 PhilHealth Capitational Fund, ‘’Ang halagang ito ay idaragdag ng lungsod sa pagbili ng mga pangangailangan ng mga accredited RHUs at aagapay din sa iba pang non-accredited RHUs,’’ wika ng City Health Officer.

Sa kabuuan ay umabot na sa mahigit labinglimang libo (15,000) o limamput-apat na libong (54,000) indibidwal kung may tatlong (3) miembro bawat pamilyang Olongapeño, ang nakikinabang sa Philhealth Indigency Program ng pamahalaang lokal sa taong 2007 lamang.

Ipinakita nina Mayor Bong Gordon (middle), Vice Mayor Cynthia Cajudo at City Health Officer Dr. Arnildo Tamayo (2nd & 1st to the right), ang replica ng tinanggap na Php773,274.10 PhilHealth Capitational Fund cheque ng Olongapo City. Nasa larawan rin sina PhilHealth Vice-President & Regional Director Dra. Nelia Divina-Tanio (2nd to the left) at Branch Manager Arsenia Torres.